๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐จ๐๐จ๐ง๐ฎ๐ญ ๐๐ง๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ซ๐ฒ ๐๐ญ๐๐ค๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐๐ซ๐ฌโ ๐ ๐จ๐ซ๐ฎ๐ฆ ๐๐ญ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ โ ๐๐ ๐๐ง๐๐ฒ ๐๐๐๐ก๐ง๐ข๐๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐๐ ๐๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ , ๐๐๐ฌ๐ฎ๐ ๐ข๐ ๐๐ ๐๐ข๐ง๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐๐
Bilang suporta sa Social Protection component ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) para sa mga Coconut farmers na benepisyaryo nito, ang MBHTE โ TESD Maguindanao Provincial Office ay nakatakdang magbigay ng scholarship programs mula sa TESDA National sa mga farm schools ng probinsya.
Sa pagpupulong na ginanap noong September 5, 2022 sa Em โ Manor Convention Hall and Hotel, Cotabato City, isinalang sa review ang mga nakalaan na mga skills trainings para sa mga magsasaka ng niyog ng Maguindanao.
Ang Provincial Coconut Industry Stakeholderโs Forum na ito ay pinagunahan ng Philippine Coconut Authority (PCA).
Ang CFIDP ay proyekto ng PCA na naglalayong:
1. Mapataas ang kita at pagiging produktibo ng dalawa at kalahating milyon (2.5 million) Coconut Farmers sa Pilipinas at
2. Gawing makabago ang pamamaraan ng pagsasaka ng mga benepisyaryo upang mas maiangat pa ang Coconut Industry sa Pilipinas.
Matatandaang ito ay pormal na inilunsad ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng Philippine Coconut Authority at naapbrubahan noong June 2, 2022 na nakapaloob sa Executive Order 172 alinsunod sa Republic Act 11524 o Coconut Farmers and Industry Fund Act na nilagdaan noong February 26, 2021 ng Presidenteng si Rodrigo Roa Duterte.
Kasama rin sa proyektong ito ang mga sumusunod na ahensya ng gobyerno:
1. Philippine Health Insurance Corporation
2. Philippine Crop Insurance Corporation
3. Commission on Higher Education
4. Agricultural Training Institute
5. Cooperative Development Authority
6. Department of Science and Technology
7. Department of Agriculture
8. Land Bank of the Philippines
9. Development Bank of the Philippines
10. Department of Trade and Industry
11. Department of Public Works and Highways
12. Technical Skills and Education Authority
Itinaon din sa loob ng nasabing aktibidad ang Induction of Officers of Maguindanao del Sur at Maguindanao del Norte Coconut Farmersโ Council.
Patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng mga nabanggit na ahensiya ng gobyerno upang masiguro ang tagumpay ng CFIDP.