𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐮𝐥𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐢𝐚𝐥𝐨𝐠𝐮𝐞 𝐂𝐮𝐦 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐑𝐞𝐨𝐫𝐠𝐚𝐧𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧𝐬 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐚𝐛𝐢𝐥𝐢𝐭𝐲 𝐀𝐟𝐟𝐚𝐢𝐫𝐬 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐏𝐃𝐀𝐎) 𝐝𝐢𝐧𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 – 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞
Kaugnay ng selebrasyon ng 45th National Disability Prevention and Rehabilitation Week, nagkaroon ng Provincial Consultation Dialogue Cum Provincial Reorganization of PDAO na ginanap sa Pavilion hall, Pagana Kutawato Restaurant, Cotabato City noong July 31, 2023.
Ito ay pinangunahan ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) na may layuning talakayin ang mga hinaharap na hamon ng mga Persons With Disabilities (PWDs) at hanapan ng mga solusyon gamit ang mga serbisyong dala – dala ng iba pang mga inimbitang ahensiya ng gobyerno.
Maliban sa MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office, ito rin ay dinaluhan ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG), Ministry Of Health (MOH), PhilHealth at Mindanao Organization for Social and Economic Progress, Inc.
Patuloy ang koordinasyon sa gitna ng MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office at PDAO upang matukoy ang mga angkop na skills training para sa mga PWDs. Labis ang pasasalamat ng mga PWDs sa pagkakataong ibinigay sa kanila upang mas mapabuti pa ang kanilang mga buhay.