𝐑𝐄𝐆𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐓𝐕𝐄𝐓 𝐅𝐎𝐑𝐔𝐌 𝟐𝟎𝟐𝟒 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐈𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐖𝐈-𝐓𝐀𝐖𝐈.

Pinangunahan nina Bangsamoro Director General, Ruby A. Andong at Provincial Director, Maryam S. Nuruddin ang isinagawang TVET Forum sa probinsya ng Tawi-Tawi nitong ika-2-3 ng Mayo taong 2024 sa Beachside Inn Hotel and Restaurant, Suwangkagang Bongao, Tawi-Tawi.

Ito ay naglalayong magbigay pagkakataon sa Technical Vocational Institute (TVI’s) na malaman ang kanilang issues and concerns ukol sa implementasyon ng TVET.

Kabilang sa mga ito ang Compliance Audit, Updates on CACs, Updates on UTPRAS at mga hakbang na tatahakin para sa mga susunod na buwan at taon.

Labis ang pasasalamat ni MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Director, Maryam S. Nuruddin sa lahat ng dumalo sa nasabing akbitibdad lalo na sa Bangsamoro Director General, Ruby A. Andong sa walang sawang pagsuporta sa tagumpay ng TVET sa probinsya Tawi-Tawi.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

#OneTawi-Tawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *