𝐒𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐃𝐔𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐈𝐓𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐆𝐈𝐍𝐀𝐍𝐀𝐏 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐒𝐔𝐋𝐔 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄.
Ang TESD Sulu Provincial Office ay nagsagawa ng Training Induction Program para sa mga iskolar na nakatakdang sumailalim sa Skills Training Pogram sa Bread and Pastry Production NC II, Agricultural Crops Production NC II, Electrical Installations and Maintenance NC II, Shielded Metal Arc Welding NC I, Cookery NC II at Dressmaking NC II sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program na isinagawa sa Notre Dame Siasi, Sulu nitong Marso 30, taong 2024.
Binubuo ng 195 na iskolar ang sasailalim sa pagsasanay sa dalawang magkaibang Institusyon ng Siasi Sulu. 145 na iskolar naman ang magsasanay sa Siasi Skills Development Institute, Inc. at 50 na iskolar ang magsasanay sa Siasi Technological Institute, Inc.
Ang nasabing Programa ay pinangunahan ng Officer-In-Charge ng TESD Sulu, kasama ang Administrator ng mga Training institution at ng Bangsamoro Development Agency.