𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐫𝐚 𝐒𝐚 𝟒𝟓 𝐑𝐞𝐛𝐞𝐥 𝐑𝐞𝐭𝐮𝐫𝐧𝐞𝐞𝐬 – 𝐁𝐚𝐡𝐚𝐠𝐢 𝐍𝐠 𝐔𝐬𝐚𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐠𝐤𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐚𝐧 𝐒𝐚 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬
Kasama sa Socio – Economic Development Plan Package ng Executive Order no. 70 (EO 70) na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong December 4, 2018, patuloy ang pagbibigay ng mga skills training ng MBHTE TESD Maguindanao Provincial Office kasama ang opisina ni MP Suharto M. Ambolodto – sa mga Rebel returnees na kanilang magagamit upang matulungang makapagsimula ng produktibong pamumuhay sa labas ng mga armadong komunidad.
Nito ngang March 4, 2024 ay apat na pu’t lima (45) Rebel returnees sa pamamagitan ng Community – Based Training ang nagtapos sa mga sumusunod na kwalipikasyon sa mga sumusunod na Technical Vocational Institutes (TVIs):
1. Carpentry NC II (22) – VMC Asian College Foundation, Inc.
2. Masonry NC II (23) – Goldtown Technological Institute, Inc.
Ito ay ginanap sa 601st Unifier Brigade, 6th Infantry Kampilan Division PA, Kamasi, Maguindanao Del Sur, BARMM sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET – Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro (BSPTVET – TTPB).
Magagamit nila ang mga natutunang kasanayan sa kanilang pagnenegosyo na makakatulong upang matuldukan ang kanilang kahirapan at paangatin ang kanilang estado sa buhay. Sa tulong ng mga skills training, naniniwala ang EO 70 na tuluyan nang mawawakasan ang lokal na armadong pag – aaklas sa bansa.