𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐡𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐦𝐢-𝐋𝐚𝐦𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐬𝐭𝐢𝐯𝐚𝐥 𝐉𝐨𝐛 𝐅𝐚𝐢𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟑
Isa sa mga lumahok ang ahensya ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education – Technical Education and Skills Development (MBHTE-TESD) Basilan Provincial Office sa Lami-Lamihan Festival Job Fair 2023 nito lamang June 09, 2023 sa City Gymnasium, Lamitan City, Basilan Province.
Ang job fair na ito ay naglalayong pagsamahin sa iisang bubong ang lahat ng ahensya mapa publiko, pribado at non-governmental organizations man upang magsilbi bilang platform para sa bukas at pangmalawakang employment opportunities. Sa pamamagitan nito magkakaroon ng pagkakataong pumili at aplayan ng bawat job seeker ang kanyang nais na trabaho.
Ang TESD Basilan ay nag abot ng kanilang tulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng oportunidad upang sila ay makapasok sa mga trainings na ilalatag ng ahensya sa Basilan. Ang mga job seekers na wala pang National Certificate (NC) mula sa TESDA ay magkakaroon ng pagkakataong makakuha sa tulong ng Job Fair na ito. Sila rin ay nagbahagi ng bakery outputs na cupcakes, flyers at brochures.
Ito ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Lamitan City sa pamumuno ni Mayor Oric H. Furigay katuwang ang mga ahensya na lumahok tulad na lamang ng Minstry of Labor and Employment (MOLE) Basilan sa pamumuno ni Dir. Amna Farrah A. Alihuddin at MBHTE-TESD Basilan sa pamumuno ni Dir. Muida S. Hataman na kinatawan ni Mr. Enteng A. Ahmad na siyang Partnership and Linkages Focal ng ahensya.