𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:

Shielded Metal Arc Welding NCII ang natapos na tech-voc course ni Danny Roa Tantiado. Ang skills training na kaniyang natapos ang nagmulat sa kaniya sa kahalagahan ng skills training na hatid ng TESDA para maging isang manggagawang may kasanayan at kakayahang makipagsabayan sa iba.

Taong 2004 ang una niyang sabak sa trabaho bilang welder dahil dito nagkaroon na siya ng mapagkakikitaan at pang gastos sa araw-araw. Gamit ng kaniyang talento at kakayahan, naging maayos ang kaniyang pamumuhay at nakatutulong na din siya sa kaniyang mga magulang.

Nais niyang makatulong din sa iba para mapagaan ang kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pamamahagi ng kaniyang mga natutunan sa SMAW NCII training.Hinihikayat din niya ang iba pa na subukin ang skills training na hatid ng TESDA.

Ipinagmamalaki ni Dan na siya at ang kaniyang mga batchmates ay naging maayos ang buhay sa tulong ng skills training na kanilang natanggap. Sa hinaharap nais ni Dan na maibahagi ang kaniyang natutunan sa iba at hinihikayat silang huwagsumuko sa pag abot ng kanilang mga pangarap.

#nobangsamoroleftbehind #TESDTagumpay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *