𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:

Pangarap ni Rudy-ar M. Ommar na makapagtrabaho sa mga kilalang hotels, resorts o inns. Kaya naman noong nalaman niya ang libreng skills training na binibigay ng Mahardika Institute of Technology, nang minsan ay ikwento ito sakanya ng kaniyang guro,ay agad siyang sumubok at kumuha ng kursong Housekeeping NCII

Ang kaniyang pagsusumikap ang nakatulong sa kaniya upang matapos ang kurso at di katagalan ay nakapagtrabaho sa Rachels Place Hotel and Restaurant bilang isang waiter at housekeeper. Matapos ang tatlong taon, nag-apply muli si Rudy at sa kasalukuyan ay isa na siyang Assistant Manager sa MSU CTCO Hostel.

Para kay Rudy ang pag-eenroll sa TESDA ay nakatulong para tumaas ang kaniyang tiwala sa sarili. Ang pagkakaroon ng skills at trabaho ay nagpabago sa buhay ni Rudy at ng kaniyang pamilya.

Naniniwala si Rudy na ang TESDA ay isang institusyon na humuhubog sa mga taong maging produktibong miyembro ng pamayanan.

#nobangsamoroleftbehind #TESDTagumpay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *