𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:

Dating MILF combatant si Hairodin Hasim, sa pamamagitan ng kanilang commanders sa MILF 106 Based Command na nagpakilala sakaniya ng TESDA BARMM at ang mga libreng skills training na hatid nito ay nagkaroon ng pagbabago ang kaniyang buhay.

Dumating ang oportunidad sa kaniya noong dumating ang VMC Asian College Foundation at TESDA BARMM sa kanilang lugar para magbigay ng free skills training sa mga tulad niyang former combatants. Kumuha siya ng Carpentry NCII at naging masaya siya sa pagkakataong ito dahil pakiramdam niya ay bumalik siya sa pag-aaral. Kabilang sa kaniyang natutunang skills ay ang pag lay-out ng mga building at pagiging karpintero.

Noon ay walang kumukuha sa kaniya upang magtrabaho dahil sa limitado niyang kaalaman, ngunit ngayong nakapag training na siya, dumating ang mga trabaho. Napabilang siya sa pagpapatayo ng mga mosque at mga proyektong ang kabahayan para sa mga pamilyang walang permanenteng tahanan.

Naramdaman ni Hairoden na nakatulong siya bilang isang karpintero sa kaniyang komunidad sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga tahanan para sa mga walang tirahan. Hinihikayat ni Hairodin ang ibang hindi nakapagtapos ng pag-aaral na subuking mag-enroll sa tech-voc courses para sila ay matuto ng skills na maaring makatulong sa kanilang paghahanap buhay.

#nobangsamoroleftbehind #TESDtagumpay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *