𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:

Si Juhorman Kuday ay may dalawang anak na tinataguyod habang ang kaniyang asawa ay isang housekeeper. High school graduate lamang ang natapos ni Juhorman sa Dimampao National Highschool pero hindi niya ito ginawang hadlang upang tigilan ang pagnanais na mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Ipinakilala ng kaniyang mga lider ang TESDA, pinakinggan naman niya sila at nag-enroll sa libreng skills training nang dumating VMC Asian College Foundation at TESDA BARMM sa kanilang lugar. Kumuha siya ng kurso para maging Electrical Installation and Maintenance NCII. Naisipan niya itong kunin upang maging sa sarili nilang bahay ay pwede niyang kumpunihin ang mga wirings at hindi na kailangang tumawag at magbayad pa ng ibang electrician para gawin ito.

Ngayon ay nakakatulong na si Juhorman sa iba bilang isang electrician sa kaniyang pamayanan. Nais niyang imbitihan ang iba pa niyang kasamahan na mag-enroll sa TESDA para maging sila ay matuto. Para kay Juhorman malaki ang naitulong ng TESDA dahil mula sa kaniyang natapos dito ay nagkaroon siya ng mapagkakakitaan. Nais niyang ipaalam sa iba na ang makatapos ng anumang kurso sa TESDA ay pwedeng ipagmalaki at gamitin sa pag-aaply sa trabaho.

#nobangsamoroleftbehind #TESDtagumpay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *