Closing Program ng SMAW NC II at EIM NC II isinagawa sa Sumisip, Basilan

75 trainees ang matagumpay na nakapagtapos sa ilalim ng programang BSPTVET at STEP sa lugar ng Barangay Basak, Munisipyo ng Sumisip, Basilan.

Sila ay nakapagtapos sa kwalipikasyong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II at Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II na pinangunahan ng institusyong Concerned Alliance of Professionals and Students, Inc. (CAPSI)

Masayang tinanggap ng mga nagsipagtapos ang kanilang mga certificates at training support fund na ipinamahagi ng mga tauhan ng MBHTE-TESD Basilan. Ito ay naganap nito lamang ika-lima ng Enero, taong 2023.

Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman, Butihing Mayor ng Sumisip na si Mayor Jul Adnan P. Hataman, Ustadz Muadz Amlul ng Ulama Council of Basilan at CAPSI School President Harisul Samanul na kinatawan ni Ginoong Mohammad Nur Samanul.

#TESDAAbotLahat #NoBangsamoroLeftBehind #MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *