Distribution of Toolkits isinagawa sa Basilan!
105 na graduates mula sa tatlong (3) magkahiwalay na institusyon ang nakatanggap ng kani-kanilang toolkits sa ilalim ng 2021 BSPTVET-KPKN sa pangunguna ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office nito lamang Enero 10-11, 2023 sa Function Room, MBHTE-TESD Bldg., BGC, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan.
Ang mga nakatanggap ng kani-kanilang toolkits ay mula sa Basilan Skills Development Academy Inc., Badja Institute of Islamic Teaching Inc. at Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. sa kwalipikasyong Bread and Pastry Production NC II, Support Horticulture Crops Work (Leading to ACP NC I) at Dressmaking NC II.
Lubos ang pasasalamat ng mga graduates sa kanilang natanggap na toolkits sapagkat malaki ang maitutulong nito para mas mahasa pa nila ang kanilang natutunan at magsimula ng bagong negosyo.
Naging matagumpay ang nasabing distribusyon sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Alternate Procurement Focal na si Sir Samy G. Mateo katuwang din si Maam Alma J. Sagala at Maam Nusaira H. Haruddain at iba pang mga tauhan ng ahensya.