𝐓𝐈𝐏 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐦𝐩𝐮𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐭𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐑𝐚𝐦𝐚𝐢𝐧, 𝐋𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫
Pinangunahan ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar ang training induction program na isinagawa para sa 50 mamamayan ng Ditsaan Ramain, Tile Setting (25), Bread and Pastry Production (25), na ginanap sa Brgy. Sundiga Bayabao, Ditsaan Ramain, Mayo 3, 2023. Ito ay sa ilalim ng BSPTVET.
Tinalakay ni PCMDC Scholarship Focal Nashmer Bantuas ang mga panuntunan at layunin ng scholarship, scholarship package, at ang responisbilidad ng mga skolar.
“sa mga napiling benepisyaryo, bigyan niyo ng halaga ang training na ito at maging responsibleng benepisyaryo. Be attentive and committed”, ani Chief Macapaar.
Ang skills training na ito ay CBT o Community Based Training na isasagawa sa Munisipalidad ng Ditsaan Ramain. At ito ay tugon sa sulat ni Ditsaan Ramain Councilor Otowa Hadji Ali na nagpepetisyon na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Ditsaan Ramain na magkaroon ng libreng skills training.
Lubos na nagpapasalamat ang mga scholars dahil sila ay magkakaroon ng pagkakataong makapagsanay.
#GanapSaPCMDC #TIP #CBT #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind