𝐓𝐈𝐏 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐬𝐚 𝟐𝟓 𝐧𝐚 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬

Upang masimulan ang pagsasanay ng 25 trainees, isinagawa ng Training Induction Program noong June 8, 2023 katuwang ang TVI ng Buluan Technical School of Life para sa kwalipikasyon ng Bread and Pastry Production NC II (25 slots).

Ang nasabing trainees ay napabilang sa programang BSPTVET TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro kung saan magkakaroon sila ng libreng kasanayan, libreng assessment, VTT, at TSF Allowance.

Ang nasabing programa ay ginanap sa Endaila Silongan, Midsayap, North Cotabato, Maguindanao. Nagpahayag naman ng pasasalamat at kahandaan ang mga nabigyan ng pagkakataong makapagsanay ng libre at magamit ito sa kanilang pamumuhay.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *