𝐓𝐈𝐏 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟒𝟎 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚

Isinagawa ang Training Induction Program sa 40 Trainees ng Kaliyot B. Sali Peace Academy Inc. na ginanap sa Brgy. Tabungao, Rajah Buayan, Maguindanao, noong May 17, 2023.

Ang mga magsasanay ay dadaan sa training para sa iba’t-ibang kwalipikasyon tulad ng Driving NC II (20 slots), at Agricultural Crops Production NC II (20 slots), sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o Bangsamoro Scholarship Program for TVET Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro. Ang mga magsasanay ay magkakaroon din ng tatlong-araw na Values Transformation Training (VTT), at training support fund allowance.

Ang naganap na Training Induction Program ay may layuning ipaalam sa mga trainees ang kahalagahan ng programa at ang kanilang magiging responsibilidad bilang isang trainee.

Nagpahayag naman ng kahandaan at kooperasyon ang mga benepisyaro upang magkaroon na kalidad na kasanayan.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *