𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐄𝐑𝐒 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐄𝐕𝐄𝐍𝐓 𝐌𝐀𝐍𝐀𝐆𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐓𝐂-𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍
Ang Provincial Training Center – Basilan ay nag organisa ng TOT para sa mga trainers nito sa iba’t-ibang kuwalipikasyon tungo sa pagpapahusay ng kanilang kakayahan na mag-organisa ng mga events lalo na ng isang Training Induction Programs (TIP) sa mga komunidad.
Ito ay tugon sa direktiba ni Center Administrator Pisingan na ang mga mismong trainer na ng kani-kaniyang kuwalipikasyon ang magsisilbing event organizer ng lahat ng mga TIPs’ na idadaos sa komunidad upang masolusyunan ang kakulangan sa administrative support staff ng opisina.
Pinaunlakan naman ni Ms. Ilyn B. Paraman, isang Senior Education Program Specialist in School Management Monitoring and Evaluation (SEPS, MMME) ng Department of Education (DepEd) ang TOT bilang resource person.
Ang Event Management Training for Trainers na ginanap sa Provincial Training Center Basilan ay naging isang dinamikong plataporma para sa pagpapalitan ng kaalaman, pagpapahusay ng kasanayan sa mga tagapagsanay. Ayon kay Ms. Paraman, naging matagumpay ang naturang training kung saan ay nagkaroon ng mga praktikal na tip at mas mataas na kumpiyansa ang mga trainers.