𝐓𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐜, 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐫, 𝐚𝐧𝐝 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 – 𝐓𝐞𝐜𝐡𝐧𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐄𝐝𝐮𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄-𝐓𝐄𝐒𝐃) 𝐂𝐂𝐌𝐃𝐂, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚
Matagumpay na naisagawa ng Cotabato City Manpower Development Center (CCMDC) ang isang makabuluhang radio guesting sa Bandera News TV-Cotabato/Radyo Bandera Cotabato ngayong araw ng Huwebes ika-8 ng Agosto taong 2024. Ang programa na pinamagatang “Kasanayan at Kaalaman para sa Kinabukasan ng Bangsamoro” ay nagbigay-linaw sa mga mahahalagang usapin patungkol sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa rehiyon ng Bangsamoro.
Ang mga pangunahing tagapagsalita sa programa ay sina CCMDC Center Administrator Engr. Moheden R. Saribo at CCMDC Vocational Instruction Supervisor Macmod A. Hadji Ali, MPA. Kabilang sa mga tinalakay nila ang kasaysayan at layunin ng CCMDC, iba’t ibang kahulugan ng TVI (Technical Vocational Institutions) at TTI (Technical Training Institutions), mga kwalipikasyong inaalok, karagdagang aplikasyon ng mga kwalipikasyon, at mga benepisyo na maaaring makuha mula sa kanilang mga pagsasanay. Inilatag din nila ang kalidad at sistema ng paghahatid ng pagsasanay, pati na rin ang konsepto ng Green TVET (Technical and Vocational Education and Training).
Pinangunahan ni Asnaira A. Glang, LPT, Information Officer ng Cotabato City Manpower Development Center, ang nasabing talakayan. Layunin ng programa na mabigyang-kaalaman ang mga tagapakinig sa kahalagahan ng pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan sa rehiyon ng Bangsamoro, gayundin ang mga oportunidad at benepisyong hatid ng pagsasanay sa Cotabato City Manpower Development Center.
Sa pamamagitan ng talakayang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan at iba pang indibidwal na naghahanap ng karagdagang kaalaman upang mapalakas ang kanilang kinabukasan. Hinihikayat din nito ang aktibong pakikilahok sa mga programa ng CCMDC upang makatulong sa patuloy na pag-unlad ng Bangsamoro.