𝐓𝐚𝐭𝐥𝐨𝐧𝐠-𝐝𝐚𝐚𝐧𝐠 (𝟑𝟎𝟎) 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐝𝐮𝐦𝐚𝐥𝐨 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐮𝐧𝐚-𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐬 𝐠𝐫𝐚𝐝𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐂𝐨𝐭𝐚𝐛𝐚𝐭𝐨 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐜𝐭 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 (𝐂𝐂𝐃𝐎)

Masayang nakapagtapos ang tatlong-daan (300) estudyante sa ilalim ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) 2023 nitong ika-Oktubre taong 2023 na isinagawa sa Academia De Technologia in Mindanao, Inc., Cotabato City. Ang mga nasabing graduates ay nasipagtapos ng iba’t ibang kurso ng tekbok tulad ng Agricultural Crops Production NC II, Bread and Pastry Production NC II, Carpentry NC II, Computer System Servicing NC II, Cookery NC II, at Driving NC II.

Dumalo rin sa nasabing mass graduation ang MBHTE TESD Bangsamoro Director General Ruby A. Andong at nagbigay ng mensahe ng suporta para sa mga nakapagtapos. Kasamang dumalo ang Provincial Offices ng MBHTE TESD at ng OWWA sa nasabing aktibidad.

Pinangunahan ng MBHTE TESD Cotabato City District Head Engr. Kalimpo Alim ang pamamahagi ng kanilang mga training certificates.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

#BSPTVET2023

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *