𝐓𝐚𝐮𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐘𝐏𝐀 𝐨 𝐌𝐢𝐝-𝐘𝐞𝐚𝐫 𝐏𝐞𝐫𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐬𝐬𝐞𝐬𝐬𝐦𝐞𝐧𝐭, 𝐦𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐢𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚; 𝐋𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 𝐚𝐭 𝐏𝐂𝐌𝐃𝐂 𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐨𝐬𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐞

Magkatuwang na pinangunahan nina Provincial Director Asnawi L. Bato ng MBHTE-TESD Lanao del Sur Provincial Office at ni Center Chief Insanoray A. Macapaar ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center, kasama ang mga empleyado at staff ng dalawang opisina, ang taunang MYPA o Mid-Year Performance Assessment.

Naging highlight ng MYPA ang presentasyon ng kanya-kanyang accomplishments sa bawat operating units para sa unang anim na buwan ng 2023, pati na ang kanilang mga hakbang at plano upang mas mapabuti pa ang pagbibigay ng kalidad na serbisyo para sa Bangsamoro, at financial accomplishments ng iba’t ibang scholarship program. Nagbigay naman ng sampung minutong catch-up plan presentation ang mga OU’s Heads. Nagkaroon din ng Mid-year Performance Evaluation, RQMC Meeting, Mental Heath Break, at Study Circle.

Dumalo sa MYPA ang TESD Regional Office na pinamumunuan ni Bangsamoro Director General Engr. Ruby Andong, pati na rin ang mga Provincial Directors ng apat (4) na probinsya, at mga TTI (TESDA Technological Institute) Administrators, at marami pang iba.. Ang mga TVI (TESDA Vocational Institute) Presidents naman, ay dumalo sa araw mismo ng Cultural Nights.

Ang MYPA ay ginanap sa N Hotel, Cagayan de Oro, mula Hulyo 24 hanggang 28, 2023.

#GanapSaPCMDC#OneMBHTE#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *