𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐚𝐭 𝐞𝐦𝐩𝐥𝐞𝐲𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐚𝐠-𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐫𝐞𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐧𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐠𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐌𝐚𝐧𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐞𝐧𝐭𝐞𝐫 (𝐑𝐌𝐃𝐂)

Sa isang makabuluhang hakbang tungo sa pangangalaga ng kalikasan, nagkaisa ang mga trainees at empleyado ng Regional Manpower Development Center (RMDC) para sa matagumpay na tree planting activity sa loob ng compound ng nasabing institusyon.

Ang proyektong ito ay bahagi ng layunin ng RMDC na mag-ambag sa pagpapaganda at pagpapalago ng ating kapaligiran. Ipinakita ng komunidad ng RMDC ang kanilang malasakit at pagkakaisa upang maitaguyod ang mas luntiang kinabukasan.

Sa pangunguna ni Center Administrator Architect Datu Saracen R. Jaafar umaasa ang RMDC na ang sama-samang pagtatanim ng mga puno ay hindi lamang magbibigay ng sariwang hangin at lilim sa hinaharap kundi magsilbing inspirasyon din para sa iba pang institusyon at komunidad na magsagawa ng kaparehong proyekto.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#RMDCTeamwork

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *