𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞 𝐧𝐨𝐨𝐧, 𝐜𝐞𝐫𝐭𝐢𝐟𝐢𝐞𝐝 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐫 𝐚𝐭 𝐭𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐫 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧!

𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐊𝐖𝐄𝐍𝐓𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘:

Dala-dala ang kaniyang pagmamahal sa baking at pangarap na magkaroon ng sariling bakeshop, nag lakas loob si Rabia na mag-enroll ng kursong Bread and Pastry Production NCII sa Basilan Provincial Training Center.

Sa loob ng 18 days ay natuto si Rabia sa ibat ibang baking techniques at skills sa paggawa ng pastries. Hindi nagtagal ay nakapagtapos siya sa training, nakapasa ng assessment at naging isang certified TVET graduate.

Ang kaniyang pagsusumikap ay nagbunga dahil naging isa siyang certified trainer para sa BPP at di katagalan ay natanggap siya sa Department of Education bilang guro na nagtuturo ng Bread and Pastry Production sa mga Grade 12 students sa Technical Vocational Livelihood strand.

Ang kwento ni Rabia ay humihikayat sa karamihan na magpatuloy na matuto ng iba pang kasanayan dahil isa ito sa susi para makamit ang tagumpay.

#TESDTagumpay #nobangsamoroleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *