𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐬𝐚 𝐓𝐮𝐫𝐭𝐥𝐞 𝐈𝐬𝐥𝐚𝐧𝐝, 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢

Isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi ang paghahatid ng training program sa isla ng Turtle Island, Tawi-Tawi. Ginanap ang Training Induction Program sa ilalim ng BSPTVET-TTPB o Bangsamoro Scholarship Program-Tulong ng Tekbok sa Pag-angat ng Bangsamoro nitong ika-16 ng Oktubre 2023.

Isang daan at apat na pu (140) ang sumailalim sa programa at sila’y magsasanay sa kwalipikasyong Electrical Installation NC II, Shielded Metal Arc Welding NC II, Bread and Pastry Production NC II, Housekeeping NC II at Carpentry NC II.

Kabilang sa BSPTVET-TTPB Scholarship package ang libreng training, assessment, Values Transformation Training (VTT) at training support fund pagkatapos ng training.

Matagumpay na isinagawa ang nasabing programa at dumalo din ang Vice mayor ng Turtle Island na si Hon. Surayda Ibnosali at kanyang Councilor na si Hon. Sulma Sarahadil. Nagpapasalamat naman ang mga trainees na sila’y nabigyan ng pagkakataong magsanay sa mga nasabing kwalipikasyon, ito ay magsisilbing dagdag kaalaman upang mapaganda ang kanilang buhay.

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *