𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝟏𝟐𝟔 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓 𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐬𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬

Marawi City, April 26, 2023 – Sa pangunguna ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Scholarship Focal Nashmer A. Bantuas, isinagawa ang TIP para sa 126 na BSPTVET 2023 scholars, mula sa iba’t ibang kwalipikasyon tulad ng Carpentry (50), Tile Setting (50), at TM Level I (26).

Tinalakay ni Bantuas ang mga panuntunan at layunin ng scholarship, scholarship package, at ang responisbilidad ng mga skolar.

Matatandaang noong Abril 19, 2023, nagkaroon ng screening process para sa mga TM Level I applicants, at ang mga pinalad na pumasa ay kasama sa TIP na ginanap ngayong araw.

Ang mga scholars naman ng construction sector ay kasama sa mga unserved clients ng PCMDC na nakalista sa logbook. Sila ay isa-isang tinawagan at pinag-sumite ng mga requirements.

Lubos na nagpapasalamat ang mga scholars dahil sila ay magkakaroon ng pagkakataong makapagsanay sa kwalipikasyong kanilang nais.

#GanapSaPCMDC #TIP #BSPTVET2023 #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *