𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢, 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚
Noong ika-5 hanggang ika-11 ng Agosto taong 2024, matagumpay na isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi Provincial Office ang Training Induction Program (TIP) sa probinsya ng Tawi-Tawi. Ang TIP ay bahagi ng Bangsamoro Scholarship Program for Free TVET (BSPTVET) at Special Training Employment Program (STEP), na naglalayong magbigay ng kinakailangang traininngs sa mga trainees upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan at makahanap ng mas magandang oportunidad.
Sa ilalim ng BSPTVET, ay kwalipikasyon ay ang:
Computer System Servicing NC-II – JSAP, Simunul
Sa ilalim ng STEP ay ang mga sumusunod:
JSAP, Simunul
• Bread and Pastry Production NC-II
Tawi-Tawi Polytechnic College, Inc., Bongao
• Bread and Pastry Production NC-II
• Masonry NC-II
MIT, Kasanyangan, Bongao:
• Cookery NC-II
• Carpentry NC-II
Tabawan:
• Computer System Servicing NC-II
• Technical Drafting NC-II
Sitangkai:
• Electrical Installation and Maintenance NC-II
• Bread and Pastry Production NC-II
Ang layunin ng programang ito ay magbigay ng mga mahahalagang kasanayan sa mga napiling trainees, na inaasahang magdudulot ng malaking pagbabago sa kanilang mga buhay sa pamamagitan ng mas pinahusay na oportunidad sa trabaho at pag-unlad.
Pinangunahan ang programa ni Dr. Maryam S. Nuruddin, Provincial Director ng MBHTE-TESD Provincial Office sa Tawi-Tawi. Nagpasalamat ang mga trainees sa pagkakataong makapag-aral at magkaroon ng mga bagong kaalaman sa ilalim ng nasabing kwalipikasyon.