𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐥𝐢𝐦𝐚𝐦𝐩𝐮𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚𝐢𝐡𝐚𝐧 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐬𝐢𝐩𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐬𝐢𝐮, 𝐋𝐚𝐧𝐚𝐨 𝐝𝐞𝐥 𝐒𝐮𝐫
Nagsagawa ng TIP ang opisina ng MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center sa pangunguna ni Center Chief Insanoray Amerol-Macapaar para sa 50 kababaihan ng Masiu, Lanao del Sur – 25 na Bread and Pastry Production scholars at 25 na Dressmaking scholars. Ito ay ginanap sa Brgy. Langi Talub, Masiu, Lanao del Sur, umaga ng May 9, 2023.
Binigyang diin ni Chief Macapaar ang kahalagahan ng scholarship na ito, papel ng mga scholars, mga benepisyo ng scholarship, panuntunan at alituntunin, at iba pa.
Ang skills training na ito ay CBT (Community-Based Training), at ito ay tugon sa request ni BWC (Bangsamoro Women Commission) Commissioner Samaona Unda na mabigyan ng libreng skills training ang mga kababaihan sa nasabing Munisipalidad. Ito rin ang unang hakbang para sa posibilidad na kolaborasyon sa pagitan ng PCMDC at BWC.
Si Norhaya Mauna ang magiging Trainer ng Dressmaking, at si Saadia Hadji Omar naman ang Trainer ng BPP.
#GanapSaPCMDC #TIP #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind