𝐕𝐚𝐥𝐢𝐝𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐟 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐌𝐚𝐩𝐩𝐢𝐧𝐠
Kamakailan ay isinagawa ang orientation program patungkol sa Skills Mapping noong June 7, 2023. Nitong June 23, 2023 ay isinagawa ang Skills Mapping Validation na ginawa patungkol sa mga kwalipikasyon na kinakailangan ng mga benepisyaryo na ginanap sa Golden Lace, Cotabato City.
Kaugnay ng programang itong ang kooperatiba ng Lamsan Group of Companies, Busikong Greenland Multi-Purpose Cooperative, Philippine Coconut Authority-Maguindanao kasama ang Ministries ng Ministry of Labor and Employment-BARMM at ang Ministry of Trade, Investments and Tourism-Maguindanao.
Isa ito sa mga hakbang upang mas maipalawig pa sa ating mga benepisyaro kaugnay ng mga kasanayan sa iba’t ibang industriya tulad ng agrikultura, turismo, atbp. Sa pakikipag ugnayan na ito ay naniniwalang may malaking kontribyusyon ito sa pag-unlad ng ating mamamayan.
Ang naging facilitator ng nasabing programa ay sina Engr. Rasul K. Datukali, Planning Focal, at ang Monitoring and Evaluation Focal Person na si Mohamad Ali.