๐—”๐—ฐ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฑ๐—ถ๐˜๐—ฒ๐—ฑ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป, ๐—˜-๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐˜† ๐—ก๐—ฎ!

Alinsunod sa TESDA Circular No. 026 series of 2023 sa Implementing Guidelines on the Institutionalization of Issuance of E-Certificate sa lahat ng Rehiyon at Certification Office, ang lahat ng Provincial Offices at Accredited Assessment Centers sa bansa ay kailangan ng magpatupad ng E-Certificate Facilities.

Isa na nga rito ang Accredited Assessment Center ng Basilan, ang Hardam Furigay Colleges Foundation, Inc. (HFCFI) na kung saan ang kauna-unahang assessment sa dalawampuโ€™t tatlong (23) candidates ng Cookery NC II sa ilalim ng BSPTVET ay ginanap sa pamamagitan ng E-Certificate Facility nito lamang Setyembre 09-11, 2023 sa Brgy. Limo-ok, Lamitan City, Basilan Province.

Ang mga candidates na dumaan sa assessment at ipinahayag na competent worker ay didiretso na sa issuance ng kanilang National Certificate sa mismong araw ng assessment. Pagkatapos ng proseso para ma input ang kanilang mga datos sa TESDA System, sila ay maghihintay na lamang sa loob ng tatlong (3) araw. Ang kanilang National Certificate ay makikita na nila sa kanilang e-mail address at pwede na nilang iprint sa kahit ano mang malinis na A4 size na puting papel.

Ang agarang pagpapatupad ng E-Certificate sa ating rehiyon ay makababawas sa isyu ng limitadong blangko ng National Certificates na ibinibigay ng TESDA Central Office. Ito rin ay inisyatibo ng ahensya upang sa ilang click lamang, makatitipid ka na ng iyong oras at resources. Ang e-certificate ay mahirap ng pekein o pakialaman kaysa sa mga papel na certificate, dahil ang mga ito ay ligtas na nakaimbak online at madaling ma-validate sa pamamagitan ng isang natatanging URL o QR Code.

Naging matagumpay ang assessment na ito sa pangunguna ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office sa pamumuno ni Officer-in-Charge Mr. Ismah A. Abbisi at Competency Assessment and Certification (CAC) Focal Ms. Nurdyana P. Gaddong katuwang ang School President ng HFCFI na si Ms. Inee M. Flores, AC Manager Ms. Eunice Anne P. Embudo at Processing Officer Mr. Jaymar I. Sajiron.

#tesdbasilan

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *