𝗖𝗹𝗼𝘀𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝘀𝗮 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗴 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗦𝗲𝗰𝘂𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗼𝗻𝘃𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗶𝘀𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝘀𝗮 𝗦𝘂𝗺𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗮𝘁 𝗨𝗻𝗴𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗣𝘂𝗸𝗮𝗻, 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻
Ang MBHTE-TESD Basilan ay dumalo sa dalawang makasaysayang pagtatapos para sa mga magsasanay ng Barangay Upper Cabengbeng, Sumisip at Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan Province nito lamang Marso 14, 2023 sa ilalim ng Food Security Convergence Program katuwang ang MAFAR Basilan na may layong mapanatili ang produksyon ng pagkain sa lalawigan.
Nagtapos ang kauna-unahang 25 trainees ng Mahad Mukhtar Liddirisatil Islamiyyati, Inc. sa kwalipikasyong Shielded Metal Arc Welding (SMAW) NC II na kung saan sila ay tumanggap ng kanilang Training Certificate at Training Support Fund.
Sa hapon naman nagtapos ang 25 trainees na mga bakwit o biktima ng armed conflict ng Barangay Ulitan sa kwalipikasyong Agricultural Crops Production (ACP) NC I sa pangunguna ng Basilan Skills Development Academy, Inc. at sila rin ay tumanggap ng kani-kanilang Training Certificate at Training Support Fund.
Naging matagumpay ang programa sa pamumuno ni Provincial Director Muida S. Hataman katuwang si School President Romy H. Kabak ng Mahad Mukhtar Liddirisatil Islamiyyati, Inc. at School President Isniraiyam D. Escandar ng Basilan Skills Development Academy, Inc. Ito ay naisakatuparan sa tulong na rin ng kanilang mga tauhan kaakibat ang TESD Basilan.
#TESDBasilan #OneTESD #NoBangsamoroChildrenLeftBehind #MoralGovernance