๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ป ๐ง๐๐ฆ๐โ ๐ธ๐ถ๐ฐ๐ธ๐ ๐ผ๐ณ๐ณ ๐ฎ๐ ๐๐ต๐ฒ๐ ๐ด๐ผ ๐น๐ถ๐๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ช๐๐ ๐ต๐ต.๐ญ ๐๐ ๐ฅ๐ฎ๐ฑ๐ถ๐ผ
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sinimulan ng MBHTE-TESD Basilan ang kanilang quarterly radio guesting sa Western Basilan Alliance (WBA) 99.1 FM Radio Station nito lamang March 31, 2023 sa Maluso Townhall, Maluso Municipality, Basilan Province.
Ang radio guesting na ito ay may layong pag usapan ang status ng Technical Education and Skills Training sa Probinsya at isulong ang Technical Vocational Education and Training sa kabuuan.
Ipinakilala ni DJ Idol ang magiging spokesperson ng ahensya na si Mr. Habban P. Aladjala na siyang magbibigay ng makabuluhan at informative na balita sa masa. Kasama sa kanyang ibinahagi ang mga training courses available sa TESD, paano mag avail at kung ano ang mga accredited training centers na kanilang pwedeng lapitan sa ibaโt-ibang dako ng probinsya.
Kasama sa mga munisipyo na makatatanggap ng magandang balita na ito ang munisipyo ng Hadji Muhtamad, Tabuan Lasa, Lantawan, Sumisip at Maluso. Ang mga munisipyong ito ay mga piling tagapakining ng estasyon.
Lubos ang pasasalamat ng ahensya sa Mayor ng Maluso na si Mayor Hanie A. Bud sa mainit na pagtanggap sa kanila. Ito rin ay naisakatuparan at naging matagumpay sa pangunguna ng Manager ng Radio Station na si Ms. Gloria A. Musa katuwang ang kanyang mga kasamahan.