๐ ๐๐๐ง๐-๐ง๐๐ฆ๐ ๐๐ฎ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ป ๐ท๐ผ๐ถ๐ป๐ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ถ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ผ๐ณ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ถ๐ป ๐ฐ๐ฒ๐น๐ฒ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐๐ต๐ฒ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ช๐ผ๐บ๐ฒ๐ปโ๐ ๐๐ฎ๐
Ang MBHTE-SD Basilan ay dumalo sa pagdiriwang ng International Womenโs Day na ginanap ng City Government of Isabela nito lamang March 08, 2023 na ginanap sa Tabiawan Multipurpose Hall, Isabela City, Basilan Province.
Ang tema ng National Womenโs Month Celebration mula 2023 hanggang 2028 ay โWe for gender equality and inclusive societyโ na kung saan ayon sa Philippine Commission on Women ang tema ay pagbibigay diin na ang paglago ay dapat na inklusibo, pagbuo ng isang kapaligiran na nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat ng mga Pilipino at binibigyan sila ng mga kasanayan upang ganap na lumahok sa isang makabago at pandaigdigang mapagkumpitensyang ekonomiya.
Ang selebrasyong ito ay pagpupulong ng mga piling kababaihan sa apatnapuโt limang (45) barangays ng Isabela City upang maranasan ang kauna-unahang womenโs camp na mayroong ibat-ibang istasyon at isa na nga rito ang MBHTE-TESD Basilan upang makatulong na pagbutihin ang kanilang mga kasanayan at pahalagahan ang kanilang mga tungkulin sa lipunan.
Naging matagumpay ang programa sa pamumuno ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman kasama ang konsehal ng lungsod na si Hon. Karel Annjaiza Sakkalahul, iba pang pangunahing panauhin katuwang ang mga piling ahensya ng gobyerno.