𝗠𝗕𝗛𝗧𝗘-𝗧𝗘𝗦𝗗 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗹𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗧𝗲𝗻𝗻𝘂𝗻 𝗣𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗱𝗷𝗮𝗮𝗻 𝗕𝗮𝘀𝗶𝗹𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟯

Ang MBHTE-TESD Basilan ay dumalo sa pagdiriwang ng 49th Founding Anniversary ng Basilan nito lamang March 07, 2023 na ginanap sa Basilan Government Center, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan

Sa huling araw ng pagdiriwang ng Tennun Parakadjaan Basilan 2023 ay nagkaroon ng Basilan Circumferential Road (BCR) Caravan na kung saan nilibot ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, NGOs at lahat ng dumalo ang probinsya ng Basilan. Ito ay isa sa mga highlights ng programa at sinundan ng Anniversary Program na ginanap sa Basilan Government Center Gymnasium.

Lahat ng mga kilalang personalidad sa probinsya ng Basilan ay dumalo sa pangunguna ni Governor Jim Hataman Salliman kasama ang kanyang butihing asawa, Vice-Governor Yusop T. Alano, alkalde ng bawat munisipyo ng Basilan, miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, miyembro ng Pambansang ahensya, ahensya ng rehiyon at yunit ng Lokal na Pamahalaan.

Ang programa ay matagumpay na nagtapos at asahan natin ang isang engrandeng Golden Anniversary sa taong 2024.

#TESDBasilan #OneTESD #NoBangsamoroLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *