𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙 𝗧𝗥𝗔𝗜𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗦 | MBHTE-TESD Basilan Provincial Office nagsagawa ng Monitoring

Isa sa mga hakbang ng ahensya upang mas mapaigting ang kalidad na serbisyong inihahatid nila sa masa ay ang pagsasagawa ng hindi inaasahang pag momonitor sa mga trainees at trainers habang ginaganap ang kanilang mga training.

Isang positibong epekto ng striktong pagmomonitor ay ang pagkakaroon ng motivation ng mga trainers at trainees upang mas magpursigi pang magturo at mag-aral. Sa pamamagitan nito, sila ay nagagayak pang husayan ang kanilang skills at pagbutihan pa lalo ang pagsasanay.

Ito ay isinagawa sa Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo Municipality at Barangay Guinanta, Albarka Municipality, Basilan Province sa ilalim ng 2022 BSPTVET Food Security Convergence Program nito lamang Enero 17, 2023.

Asahang magkakaroon pa ng monitoring sa bawat training na kasalukuyang nagaganap sa probinsya. Ang monitoring team ng ahensya ay sina Sir Habban P. Aladjala at Sir Mus-ab S. Abubakar.

#TESDBasilan #MoralGovernance #NoBangsamoroLeftBehind #TESDAAbotLahat

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *