๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ข๐—ก ๐—š๐—ข๐—”๐—ง ๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐——๐—จ๐—–๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐——๐—œ๐—ฆ๐—˜๐—”๐—ฆ๐—˜ ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐—ฉ๐—˜๐—ก๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—”๐—ก๐—— ๐—–๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก, ๐—ก๐—”๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ฆ๐—” ๐—ง๐—”๐—ง๐—Ÿ๐—ข๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—ž๐—”๐—›๐—œ๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ฌ ๐—ก๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ฃ๐—ฌ๐—ข

Ang MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang Provincial Veterinary Office โ€“ Basilan (PVO-Basilan) at Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR) ay nagkaroon ng kasunduan upang tulungan at bigyan ng skills training ang pitumpuโ€™t limang (75) magsasaka o farmers na may mga alagang kambing sa munisipyo ng Sumisip, Albarka at Tipo-Tipo, Basilan Province.

Ang inisyatibong ito ay naglalayong maibahagi sa mga magsasaka ang mas tamang pag-aalaga ng kanilang mga kambing mula sa pagpaparami hanggang sa pagkakaroon ng mga alternatibong paraan upang maproteksyanan at mailayo ang mga ito sa sakit.

Isa na rin itong tulay upang mas mapabuti pa ang kanilang mga kabuhayan at maging daan upang magkaroon ng sustainable development ang probinsya ng Basilan. Ang skills training na ito ay nilagdaan ng dalawang panig sa pamamagitan ng Memorandum of Agreement noong Mayo 02, 2023 na naging dahilan upang maging highlight ito ng accomplishments ng ahensya sa pamumuno ni Provincial Director Muida S. Hataman na siyang nag-isip at gawing realidad ang programang ito.

Ang unang skills training ay naganap sa Brgy. Upper Cabengbeng, Sumisip, Basilan noong Mayo 25-26, 2023 na sinundan naman sa Brgy. Kailih, Albarka, Basilan noong Mayo 29-30, 2023. At ang panghuli nga ay nito lamang July 25-26 sa Brgy. Tipo-Tipo Proper, Tipo-Tipo, Basilan Province.

Ang Provincial Veterinarian OIC na si Doc. Sharmin A. Tuttuh kasama si Mr. Ali P. Taguranao na siyang meat inspector ng PROVET Basilan at Mr. Jollybee E. Belandres ay nagbahagi ng kanilang kaalaman sa pitumpuโ€™t limang trainee. Sila ay nagkaroon ng hands-on demo na kung saan sila ay tinuruan ng tamang pagpapainom at pag i-inject ng vitamins at mga gamot sa kanilang mga alagang kambing.

#TESDBasilan

#OneMBHTE

#NoBansamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *