๐—ฃ๐—ง๐—–-๐—•๐—”๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—จ๐— ๐—”๐—ก๐—œ ๐—ก๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—” ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—Ÿ๐—š๐—จ ๐—ก๐—ข๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—ง๐—”๐—ง๐—˜ ๐—ข๐—™ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ ๐—ฅ๐—˜๐—ฃ๐—ข๐—ฅ๐—ง (๐—ฆ๐—ข๐—–๐—ฅ)

Dinaluhan ng ibat-ibang opisyal ng pamahalaan at line agencies sa Basilan ang Isabela City State Of The City Report ni Mayor Djalia Turabin Hataman na kasulukuyang alcalde ng ciudad. Ginanap ito sa Kasinnahan Hotel and Resort kung saan ay nabigyan ng pagkakataon ang taumbayan na masaksihan at mapakinggan ang progreso ng Isabela City na nakatutok sa mga sektor ng ekonomiya, agrikultura, turismo, edukasyon, kalusugan at trabaho.

Ang Provincial Training Center-Basilan ay isa sa mga nabigyan ng papuri at pagkilala mula sa opisina ng alcalde sa aniya ay โ€œMahusay na pagbibigay serbisyo at kalidad na pagsasanay sa mga mamamayan ng Isabelaโ€ Malaking tulong umano ang pinatibay na partnership ng PTC- Basilan at LGU Isabela kung saan ay sa pamamagitan nito, mas napapabilis ang agarang pagbibigay ng kaalaman at kasanayan sa mga trabahong saklaw ang pang-industriya at pang-ekonomiya. Inaasahan na mas marami pang trabaho ang magbubukas at magbibigay daan upang maiangat ang ating mga kapwa mamamayan ng Isabela de Basilan mula sa kahirapan. Nagpapasalamat naman ang PTC-Basilan Administrator Pisingan sa Ginang Alkalde sa natamong pagkilala lalo na sa Minister ng MBHTE na si Member of Parliament Mohagher M. Iqbal sa mahusay at matapat na pamumuno sa hanay ng Edukasyon sa BARMM kung saan, kasamang nabibiyayaan ng programa ang mga Bansgsamoro communities sa karatig na lungsod at lalawigan ma pa loob o labas man ng BARMM area of responsibility.

#NoBangsamoroLeftBehind

#PTCBasilanServesYouBetter

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *