๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—บ ๐—•๐˜‚๐—ถ๐—น๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐˜„๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—— ๐—•๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป

Upang mas mapagtibay ang samahan, tiwala at pagtutulungan ng bawat empleyado ng ahensya, nagsagawa ang TESD Basilan ng Team Building na may temang โ€œAnything is Possible if We Work as Oneโ€ nitong February 12, 2023 sa White Beach, Malamawi Island, Isabela City, Basilan Province.

Nagkaroon ng Banner Making Contest kung saan ipinamalas ng bawat grupo ang kanilang talento sa pag guhit at maipaliwanag kung bakit ito ang kanilang napiling pangalan at banner. Iba’t ibang palaro ang isinagawa tulad ng Lava Game, Tissue Pulling, Pass the Water, Amazing Race at marami pang iba.

Sa huli, ang Red Team na pinamunuan ni Sir Ismah A. Abbisi ang nanalo bilang Overall Champion. Green Team naman ang pumangalawa na pinamunuan ni Sir Enteng A. Ahmad. Blue Team naman ang pumangatlo na kung saan lahat sila ay mga babae na pinamunuan ni Provincial Director Muida S. Hataman.

Nagkaroon ng Awarding Ceremony sa hapon at lahat ay nabigyan ng employee awards at prizes. Ang team building ay naging matagumpay sa pamumuno ni Provincial Director Muida S. Hataman katuwang ang lahat ng TESD Basilan Staff.

#TESDBasilan #OneMBHTE #MoralGovernance

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *