𝟏𝟏𝟒 𝐎𝐮𝐭 𝐎𝐟 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 (𝐎𝐒𝐘) 𝐍𝐚 𝐌𝐠𝐚 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧, 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐒𝐚 𝐂𝐚𝐫𝐞𝐞𝐫 𝐆𝐮𝐢𝐝𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐝𝐯𝐨𝐜𝐚𝐜𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐂𝐆𝐀𝐏) 𝐬𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐛𝐢𝐧𝐬𝐲𝐚 𝐍𝐠 𝐌𝐚𝐠𝐮𝐢𝐧𝐝𝐚𝐧𝐚𝐨
Sa ilalim ng proyektong You(th) Connect 2.0 Project ng PLAN International, ang MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office ay nagbigay ng CGAP sa isang daan at labing apat (114) na OSY upang maintindihan ng mga kabataan ang mga programang pang TekBok at benepisyo nito na dala – dala ng opisina para sa kanila.
Sa ilalim ng You(th) Connect 2.0 Project na ito, mabibigyan din ng panimulang tulong pinansyal ang mga benepisyaryo at aalalayan din sila ng PLAN International na makahanap ng trabaho base sa kwalipikasyon na aaralin nila sa TESD. Ang proyektong ito ay tumatakbo simula nitong May 2023 hanggang April 2024 sakop ang mga OSY sa Maguindanao, Western Samar at Cebu City.
Patuloy ang koordinasyon sa pagitan ng dalawang opisina upang matukoy kung anu – ano ang mga nararapat na Skills Training na angkop sa kagustuhan at kalagayan ng mga napiling iskolars.
Ang PLAN International ay isang organisasyong di-pampamahalaan na naglalayong makatulong sa mga napabayaang mga kabataan at kababaihan sa pamamagitan ng pagsulong sa mga karapatan ng mga nasabing benepisyaryo.
Ang nasabing CGAP ay ginanap noong August 31, 2023 sa Nuro at Kibucay, Upi, Maguindanao del Norte, BARMM.