๐Ÿ๐Ÿ๐ŸŽ ๐ˆ๐’๐Š๐Ž๐‹๐€๐‘๐’ ๐๐† ๐“๐„๐’๐ƒ ๐๐€๐’๐ˆ๐‹๐€๐ ๐๐€๐†๐“๐€๐๐Ž๐’ ๐€๐“ ๐๐€๐Š๐€๐“๐€๐๐†๐†๐€๐ ๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐‹๐€๐๐† ๐“๐‘๐€๐ˆ๐๐ˆ๐๐† ๐’๐”๐๐๐Ž๐‘๐“ ๐…๐”๐๐ƒ

Isinagawa ang Mass Graduation sa isang daan at dalawampung (120) iskolars sa ibaโ€™t ibang kwalipikasyon sa ilalim ng Food Security Convergence Program at 2023 Bangsamoro Scholarship Program ng TVET (BSPTVET) sa Mindanao Autonomous College Foundation, Inc. (MACFI), Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan Province nito lamang Enero 10, 2024.

Sila ay nagtapos sa mga kwalipikasyong Computer Systems Servicing NC II, Dressmaking NC II, Bread and Pastry Production NC II, at Agricultural Crops Production NC II. Sila rin ay nakatanggap ng kani-kanilang Training Support Fund na makatutulong sa kanila upang magsimula ng maliit na negosyo pampuhunan o di kaya ay para makatulong sa pag a-apply nila ng trabaho.

Ang programang ito ay pinangunahan ni Provincial Director Muida S. Hataman, katuwang ang Vice President of Academic Affairs-External na si Ms. Norina V. Oraล„ola, OIC-Lamitan City Agriculturist Ms. Ester G. Domingo, Scholarship Focal Mr. Muhmin J. Edrosolo, MACFI Voc. Tech. Director Mr. Rey C. Bentoy at ang kanyang mga staff.

#TESDBasilan

#OneMBHTE

#BSPTVET

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *