๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ง ๐๐๐จ๐ง๐จ๐ฆ๐ฒ, ๐ฉ๐๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ฒ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐๐๐ – ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ข๐ง๐๐๐ง๐๐จ ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐๐ข๐๐ฅ ๐๐๐๐ข๐๐
Bilang pakiisa sa layunin ng gobyerno na maitaguyod ang Green Economy sa Pilipinas, nagsagawa ng Annual Tree Growing Activity ang MBHTE – TESD Maguindanao Provincial Office katuwang ang Upi Agricultural School sa bundok ng Upi, Maguindanao noong August 11, 2023.
Ito rin ay naka-angkla sa Section 8 ng Republic Act No. 10176 na nagsasabing:
“๐ด๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐๐ง๐๐๐ ๐๐ ๐กโ๐ ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ , ๐คโ๐ ๐๐๐ ๐๐ก ๐๐๐๐ ๐ก ๐ก๐ค๐๐๐ฃ๐ (12) ๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐, ๐ โ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ก ๐๐๐ (1) ๐ก๐๐๐ ๐๐ฃ๐๐๐ฆ ๐ฆ๐๐๐.”
Ang Green Economy ay tumutukoy sa ekonomiya na naglalayong paunlarin ang bawat mamayan nito nang hindi napapahamak at nalalagay sa panganib ang inang kalikasan kasabay ng pag – unlad ng kabuhayan ng mga nasasakupan nito.
Pinangunahan ni Provincial Director Salehk B. Mangelen ang nasabing aktibidad kung saan 100 seedlings ng Narra ang itinanim na donasyon ng pamunuan ni Engr. Sukarno B. Datukan, PhD., Vocational School Administrator ng Upi Agricultural School bilang suporta sa taunang aktibidad ng Provincial Office.