𝟐𝟎𝟐𝟑 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐰𝐢-𝐓𝐚𝐰𝐢
Isinagawa ng MBHTE-TESD Tawi-Tawi ang 3rd Provincial Skills Competition (PSC) nitong ika-27 at ika-28 ng Oktubre 2023 kung saan ginanap ang Opening at Closing Program sa MBHTE Gymnasium, Bongao, Tawi-Tawi.
Alinsunod sa seksyon 30 ng Republic Act No. 7796, isang batas na lumikha ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ito ay nagsasaad na “Upang itaguyod ang pag-unlad ng kalidad ng kasanayan sa bansa at sa pananaw ng paglahok sa mga internasyonal na kompetisyon sa kasanayan, ang Awtoridad, na may aktibong pakikilahok ng mga pribadong industriya, ay dapat magsagawa ng taunang National Skills Olympics.”
Sa pamamagitan ng kompetisyon, maipamalas ng bawat indibidwal ang kanilang galing, husay at talino kung saan masasaksihan ng lahat ang kanilang talento sa larangan ng iba’t-ibang skills at maitaguyod ang kanilang kakayahan sa edukasyong bokasyonal.
Mayroong labing-lima (15) na katunggali sa apat (4) na magkakaibang larangan ng kasanayan. Apat (4) ang nasa Cooking, tatlo (3) sa Electrical Installation, apat (4) sa Information Network Cabling, at apat (4) sa IT Network Administration.
Ang mga nanalo sa PSC ngayong taon ay sina Almadzha S. Hamjan sa Cooking, Alvin Y. Idris sa Electrical Installation, Jiear B. Laja sa Information Network Cabling, at Ruden T. Makdirul sa IT Network Administration.
Nakatanggap ang mga nanalo ng P10,000 cash prize, medalya, at certificate of recognition. Sila ang dadalhin sa Regional Skills Competition. Sa kabilang banda, nakatanggap din ang kanilang mga katunggali ng P7,500 at 5,000 cash prizes, medals, at certificates of recognition.
Inumpisahan ang kanilang Opening Program sa pamamagitan ng Motorcade Parade at Lighting of Torch.
Matagumpay na isinagawa ang nasabing programa sa pamumuno ni Provincial Director Dr. Maryam S. Nuruddin at kanilang mga panauhin, LTCOL Junnibert S Tubo, Commanding Officer ng MBLT-12,Mobin S. Gampal, PLGU Administrator, School Administrator, at TESD Staff.