𝟐𝟐𝐧𝐝 𝐇𝐮𝐦𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐮𝐫𝐜𝐞 & 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 (𝐇𝐑𝐒𝐃), 𝐝𝐢𝐧𝐚𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐁𝐇𝐓𝐄 – 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌

Ilan sa mga tinalakay nitong 22nd Human Resource and Skills Development ay ang mga sumusunod:

1. Nasan na nga ba ang Technological and Vocational Education and Training (TVET) sa Pilipinas at asan ito patungo sa hinaharap,

2. Pagtukoy sa mga kwalipikasyon na kailangang idagdag sa kurikulum upang mas maging handa at makasabay ang kagalingan ng mga TESD iskolars sa makabagong teknolohiya ng ating panahon,

3. Pagsuri sa sitwasyon ng Area – Based Demand Driven TVET at

4. Pagpapatibay ng TVET Research and Development.

Kasabay nito, inilatag din ni TESDA Secretary Suharto T. Mangudadatu, Ph.D. ang kanyang 10 – puntong programa para sa susunod na anim na taon ng kanyang panunungkulan upang mas mapaunlad pa ang TVET sa Pilipinas.

Dinaluhan ito ng lahat ng mga TESDA Operating Units sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang MBHTE – TESD BARMM Regional Office, MBHTE – TESD BARMM Provincial Offices, Technological Vocational Institutes (TVIs), Technological Training Institutes (TTIs), TVET Trainers, TVET Administrators, Regional/ Provincial TESDC Officials, Industry Partners of TVET Institutions mula sa mga sumusunod na probinsya:

1. Lanao Del Sur

2. Maguindanao

3. Cotabato City

4. Tawi – Tawi

5. Sulu

6. Basilan

Ito ay taunang aktibidad na isinasagawa ng Mindanao Technological – Vocational Association, Inc. (MinTVET), Unified TVET of the Philippines, Inc. (UniTVET), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Private Education Assistance Committee (PEAC).

Ginanap ito sa Grand Summit Hotel sa General Santos City noong November 20 – 21, 2023.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *