𝟐𝟐𝟎 𝐢𝐬𝐤𝐨𝐥𝐚𝐫 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐧𝐠𝐬𝐚𝐦𝐨𝐫𝐨 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐥𝐚𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐚𝐬𝐢, 𝐒𝐮𝐥𝐮.

Isang matagumpay na seremonya ng pagtatapos ang ginanap para sa mga iskolars ng Bangsamoro Scholarship Program (BSP 2024) noong ika-2 ng Agosto, 2024 sa Municipal Covered Court ng Siasi, Sulu.

Mahigit dalawang daang dalawngpung iskolars ang nakapagtapos ng iba’t ibang kwalipikasyon ng pagsasanay tulad ng:

Cookery NC-II

• Computer System Servicing NC-II

• Dressmaking NC-II

• Shielded Metal Arc Welding NC-I

• Electrical Installation and Maintenance NC-II

• Agricultural Crops Production NC-II.

Ang mga iskolars ay nagsanay sa iba’t ibang pribadong institusyon na nakabase sa Siasi, Sulu at Pandami, Sulu. Ang mga nabanggit na lugar ay isa lamang sa mga isla ng Sulu na inaabot ng mahigit kumulang anim na oras na biyahe mula sa Jolo, Sulu sakay ng bangkang de-motor.

Labis ang galak ng mga iskolars dahil sa kanilang pagtatapos ng mga trainings sa kanilang lugar, hindi na nila kailangang pumunta ng Jolo upang kumuha ng mga trainings na maaaring maging tulay upang makahanap sila ng trabaho dito man sa kanilang lugar o maging sa ibang bansa.

Pinangunahan ni Provincial Director Glenn A. Abubakar ng TESD-Sulu ang nasabing programa, kasama ang mga administrador ng tatlong training institution kung saan nagsanay ang mga iskolars.

Nasundan din ang programa ng pamamahagi ng training support fund sa lahat ng mga iskolars na nakapagtapos ng iba’t ibang kwalipikasyon.

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *