𝟐𝟓𝟎 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐋𝐋𝐘 𝐃𝐈𝐒𝐏𝐋𝐀𝐂𝐄𝐃 𝐏𝐄𝐑𝐒𝐎𝐍𝐒, 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐆𝐔𝐌𝐏𝐀𝐘 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐊-𝐁𝐎𝐊 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌: 𝐃𝐀𝐆𝐃𝐀𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 𝐀𝐓 𝐎𝐏𝐎𝐑𝐓𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐍𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐔𝐊𝐀𝐒𝐀𝐍

Nito lamang ika-19 ng Marso 2024, nagdaos na malawakang graduation para sa 250 Internally Displaced Persons (IDPs) mula sa Most Affected Area (MAA) ng Marawi City na nakapagtapos ng iba’t ibang kursong pang-tekbok. Isinagawa ang nasabing mass graduation sa JMM Ahmad Basher Function Hall, Matampay, Marawi City na dinaluhan nina Member of Parliament MP Abdullah G. Macapaar, BTA Member MP Shiek Said, at Cosain B. Solaiman bilang kinatawan ng opisina ng BARMM Deputy Chief Minister.

Matatandaan na nagkaroon ng kolaborasyon sa pagitan ng MBHTE TESD LDS Provincial Office at ng MRP-PMO BARMM upang makapagbigay ng Free Skills Training sa mga IDPs ng MAA sa Marawi City noong nakalipas na taon. Nakapagtapos sa mga kwalipikasyon ng Electrical Installation and Maintenance NCII, Carpentry NCII, at Masonry NCII ang mga IDPs bilang tugon sa pangangailangan ng mga skilled workforce na makakatulong sa paggawa ng mga nasirang nilang kabahayan sa Marawi City.

Ang mga graduates ay lubos na nagpapasalamat sa Training Support Fund at Toolkits na kanilang natanggap na magagamit nila para sa pagpapatayo at pagpapaayos muli ng kanilang mga bahay.

Patuloy na ginagawa ng MBHTE TESD Lanao del Sur Provincial Office sa pamumuno ni Director Asnawi L. Bato ang lahat ng kanilang makakaya upang makapaghatid ng kalidad na kasanayan para sa mamamayan ng Lanao del Sur.

#OneMBHTE

#NobangsamoroLearnerLeftBehind

#LDS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *