𝟐𝟓 𝐕𝐢𝐜𝐭𝐢𝐦𝐬 𝐎𝐟 𝐒𝐮𝐛𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐀𝐛𝐮𝐬𝐞 𝐒𝐚 𝐈𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐥𝐚𝐲 – 𝐒𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐟𝐨𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐍𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐍𝐠 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠

Matapos ang dalawampu’t walong (28) araw ng pagsasanay, masayang tinanggap ng dalawapu’t limang (25) Victims of Substance Abuse ang kani – kanilang mga Certificates of Training at Training Support Fund (TSF) allowances ngayong araw October 12, 2023 sa munisipyo ng Matanog, Maguindanao del Norte, BARMM.

Ito ay kaugnay ng programang Balay – Silangan Reformation Program na nagsimula noong 2022 ng Local Government Unit (LGU) – Matanong kaugnay ng kumpanyang “War on Drugs” noong 2017 ng dating pangulong si Rodrigo Roa Duterte upang matulungang makabalik ng maayos sa komunidad ang mga nasabing biktima.

Sila ay nagsanay sa Technological Vocational Institute (TVI) na Illana Bay Integrated Computer College, Inc. sa Parang, Maguindanao del Sur, BARMM ng Electrical Installation and Maintenance (EIM) NC II.

Labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa pagkakataong sila ay makapagsanay ng libre na siguradong magagamit nila sa kanilang pagbabagong – buhay.

#NoBangsamoroLearnerLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *