๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ง๐š ๐ฅ๐š๐ฅ๐š๐ค๐ž๐ง๐  ๐ญ๐จ๐ซ๐ข๐ฅ ๐จ ๐ฆ๐ ๐š ๐ฆ๐š๐ -๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐›๐ข๐œ ๐ง๐  ๐ƒ๐š๐ซ๐ฎ๐ฅ ๐„๐›๐ญ๐ข๐ฌ๐š๐ฆ ๐‹๐ข๐ญ๐š๐ก๐Ÿ๐ข๐ž๐๐ก๐ž๐ฅ ๐๐ฎ๐ซ’๐š๐ง ๐€๐ฅ-๐Š๐š๐ซ๐ž๐ž๐ฆ, ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ฌ๐š ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐๐ฎ๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

Pinangunahan ni MBHTE-TESD Provincial/City Manpower Development Center Administrator Insanoray Amerol-Macapaar ang training induction program na isinagawa para sa dalawampuโ€™t limang toril ng Darul Ebtisam Litahfiedhel Qur’an Al-kareem na matatagpuan sa Brgy. Lilod Buayaan, Ditsaan Ramain, Lanao del Sur, Mayo 3, 2023. Ang TIP na ito ay Tile Setting, sa ilalim ng BSPTVET.

Tinalakay ni PCMDC Scholarship Focal Nashmer Bantuas ang mga panuntunan at layunin ng scholarship, scholarship package, at ang responsibilidad ng mga skolar.

Ang skills training na ito ay CBT o Community Based Training na isasagawa sa mismong orphanage upang malagyan ng mga tiles ang kanilang palikuran at upang ito ay maging maaliwalas. At ito ay tugon sa petisyon ni Ditsaan Ramain Councilor Otowa Hadji Ali na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Ditsaan Ramain na magkaroon ng libreng skills training.

Ang mga ganitong programa ay isa sa mga initiatives ni Chief Macapaar, at ito ay tugon sa petisyon ni Ditsaan Ramain Councilor Otowa Hadji Ali na mabigyan ng pagkakataon ang mga toril na magkaroon ng libreng skills training.

#GanapSaPCMDC #TIP #CBT #TESDAAbotLahat #OneMBHTE #NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *