๐Ÿ๐Ÿ“ ๐ญ๐ซ๐š๐ข๐ง๐ž๐ž๐ฌ ๐ง๐š๐ ๐ญ๐š๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ง๐  ๐€๐ ๐ซ๐ข ๐‚๐ซ๐จ๐ฉ๐ฌ ๐๐‚ ๐ˆ ๐ฌ๐š ๐ข๐ฅ๐š๐ฅ๐ข๐ฆ ๐ง๐  ๐…๐จ๐จ๐ ๐’๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฆ

Nagtapos ang dalawampuโ€™t limang (25) trainees ng Basilan Skills Development Academy Inc. (BASDA) sa kwalipikasyong Agricultural Crops Production (ACP) NC I sa Sayugan, Brgy. Maganda, Lamitan City, Basilan Province nito lamang Disyembre 14, 2023.

Ito ay isinagawa ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform (MAFAR). Ang programang ito ay sa ilalim ng Food Security Convergence Program na siyang naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga magsasanay sa sapat, ligtas at masustanyang pagkain na nakakatugon sa kanilang mga pangangailangan.

Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman na kinatawan ni Supervising TESD Specialist Mr. Yasher R. Hayudini, Provincial Director Hanie Muadz A. Junuban na kinatawan ni Mr. Abdullah A. Haruddain, BASDA School President Ms. Isniraiyam D. Escandar katuwang ang kaniyang mga tauhan at iba pa.

#tesdbasilan

#OneMBHTE

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *