𝟐𝟔𝟔 𝐭𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐧𝐚 𝐁𝐚𝐥𝐢𝐤 𝐁𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐭𝐢𝐤𝐮𝐥 𝐚𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐠𝐮𝐦𝐩𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐧𝐚𝐠𝐭𝐚𝐩𝐨𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐁𝐒𝐏𝐓𝐕𝐄𝐓.

Pagtatapos ng 266 trainees na benepisyaryo ng Bangsamoro Scholarship Program for TVET (BSPTVET) para sa mga Balik Barangay Panglayahan, Patikul, Sulu, at pamamahagi ng mga Training Support fund at starter toolkits ng mga ito. ngayong ika 8 ng June, 2023 sa may Covered Court ng Panglayahan, Patikul, Sulu.

Ang mga naturang nagtapos at tumanggap ng kanilang TSF at starter toolkits ay mula sa barangay Panglayahan na kabilang sa mga IDP’s ng Patikul, Sulu. ang mga ito ay nagsanay sa iba’t ibang kwalipikasyon gaya ng Basic Solar, Electrical Installation and Maintenance NC II, dressmaking NC II, Plant Crops, Perform multiple plumbing, Overhaul small engine, cake making at Cook hot meals.

Ang mga nabanggit na mga kwalipikasyon ay makakatulong sana para mabago ang istado ng pamumuhay ng mga mamayan ng Patikul at makatutulong sa mga natanggap na nga kagamitan para makapagsimula ng makapaghanapbuhay gamit ang kanilang natutunan at karamihan sa mga ito ay nagtapos ng Plants Crops production at Dressmaking NC II.

Ika nga nila kinalakihan na nila ang magtanim ngunit marami pa pala silang mga di pa alam na pamamaraan nito lubos ang kanilang pasasalamat sa hatid na programa ng naturang ahensya.

Pinangunahan ng TESD- Sulu head ang Naturang Programa kasama ang Punong Barangay nang Pansul, Patikul, Sulu at kasama din dumalo mula sa ahensya ng Ministry of Labor and Employment at Kawani ng mga Arm Forces of the Philippines .

#ONEMBHTE

#Nobngsamoroleftlearnerleftbehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *