๐Ÿ‘๐ซ๐ ๐๐ฎ๐š๐ซ๐ญ๐ž๐ซ ๐๐“๐„๐’๐ƒ๐‚ ๐Œ๐ž๐ž๐ญ๐ข๐ง๐  ๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐“๐„๐’๐ƒ ๐๐š๐ฌ๐ข๐ฅ๐š๐ง

Pinamunuan ni Governor Jim Hataman-Salliman, ang Chairperson ng kumite kasama si Provincial Director Muida S. Hataman ang 3rd Quarter Provincial Technical Education and Skills Development Committee Meeting na isinagawa sa Ground Floor, Basilan Provincial Capitol, Isabela City, Basilan Province nito lamang Setyembre 28, 2023.

Sinimulang talakayin ng PTESD Committee ang kanilang tatlong (3) mahahalagang agenda kasama na rito ay ang presentasyon ng Enhanced Provincial Skills Priorities para sa taong 2023 hanggang 2025 na kung saan inilatag ni PD Muida S. Hataman ang apat (4) na priority sectors ng probinsya. Nangunguna ang sektor ng Agriculture, Forestry and Fisheries kasunod ang sektor ng Construction, Land Transportation at Tourism.

Ayon kay PD Muida S. Hataman โ€œAng limang (5) programang kailangan ayon sa naging prioritization ay ang Rubber Production, Aquaculture, Organic Agricrops, Food Processing at Fish Captureโ€. Ito ay sinang ayunan ni PD Argie J. Sarco ng MTIT kung saan siya ay humihingi ng datos sa MAFAR upang mas mabigyang linaw kung posible bang makapagbukas ang probinsya ng fishery programs.

Inilatag din ng ahensya sa kumite ang Quick Labor Market Information ng TESDA Central Office patungkol sa Halaal Industry: Harnessing the Potential of Untapped Market. Naging produktibo ang diskusyon sa Halal Industry dahil na rin sa presensya ng MAFAR Basilan, na kinatawan ni Supervising Agriculturist and MAFAR Basilan Halal Focal Ms. Myra Carpio Peลˆaflor.

Ayon sa kanya โ€œkailangang unahin ang mga pasilidad tulad ng Halal-Compliant at Accredited Slaughterhouse sa Basilan upang matugunan ang pinanggalingan ng Halal Meat at gayundin ang pag take-off at pagpupulong ng Provincial Halal Advisory Council na pamumunuan ni Provincial Governor Jimโ€.

Ang Labor Market Intelligence Report: Gearing the Future of TVET, Towards a Green Economy ay huling iprinesenta kung saan inilatag kung ano ang Green Economy, Green Jobs at Green Skills. Ibinahagi rin sa kumite kung anu-ano na ang naging hakbang ng TESDA upang makatulong sa adhikaing makatulong sa pagpursigi ng bansa sa Green Economy.

Nagtapos ang pagpupulong sa pamamagitan ng pagbabahagi ni Gov Jim Hataman-Salliman ng iilang mensahe na siyang magiging gabay ng kumite sa kanilang pagpapatupad ng serbisyong pampubliko sa mamamayan ng Basilan.

Ayon sa kanya, โ€œkailangan nating magplano at magpatupad ng mga serbisyo na naayon sa ating komunidad. Ang ating ideolohiya ay dapat nakatuon sa tunay na nangyayari sa ating nasasakupan at hindi lamang sa kung ano ang sinasabi ng iba sa atinโ€

#tesdbasilan

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

#OneMBHTE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *