𝟑𝐫𝐝 𝐛𝐚𝐭𝐜𝐡 𝐧𝐠 𝐒𝐤𝐢𝐥𝐥𝐬 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐨𝐧 𝐒𝐞𝐚𝐰𝐞𝐞𝐝 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐮𝐧𝐝𝐞𝐫 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐒𝐞𝐜𝐮𝐫𝐢𝐭𝐲 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐁𝐚𝐬𝐢𝐥𝐚𝐧

Isinagawa ng MBHTE-TESD Basilan Provincial Office katuwang ang ahensya ng MAFAR Basilan ang Skills Training on Seaweed-Based Value-Added Processing, Deboning and Bottled Fish Production sa Brgy. Sahaya Bohe Batu, Sumisip, Basilan Province.

Sila ay sumailalim sa pagsasanay kung papaano ang tamang proseso ng seaweed processing, deboning ng mga isda at bottled fish production. Ito ay kanilang magagamit upang mas mapahusay ang kanilang mga kasanayan at kaalaman sa nasabing larangan na siyang makakatulong sa kanilang kabuhayan.

Si Ms. Nahdah A. Amain, Ms. Aleriza A. Atalad at Ms. Halija M. Aspalin ng MAFAR sa ilalim ng Fisheries Sector ang kanilang naging trainers para sa training na ito na pinamumunuan ng kanilang Chief Aquaculturist na si Mr. Abdurasul T. Sarail. Ang kanilang TIP ay naganap noong November 28, 2023 at sila ay nagtapos nito lamang December 06, 2023

Ito ay naging matagumpay sa pangunguna ni Provincial Director Muida S. Hataman katuwang ang MAFAR Basilan sa pamumuno ni Provincial Director Hanie Muadz A. Junuban at Chief Aquaculturist Mr. Abdurasul T. Sarail. Naroon sa panahon ng kaganapan sina Scholarship Focal Mr. Muhmin J. Edrosolo, Committee Heads Ms. Jahra A. Asnawi at Event Orgarnizers Mr. Mus-ab S. Abubakar at Moh. Yusop J. Sagala.

#OneMBHTE

#tesdbasilan

#NoBangsamoroLearnersLeftBehind

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *