𝟑𝟕𝟓 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐧𝐠 𝐑𝐂𝐄𝐅, 𝐬𝐮𝐦𝐚𝐢𝐥𝐚𝐥𝐢𝐦 𝐬𝐚 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦
Mahigit tatlong daan o tinatayang nasa 375 na magsasaka ang sumailalim sa Training Induction Program ngayong araw, June 21, 2023, sa Ilalim ng RCEF o ang Rice Competitiveness Enhancement Fund.
Ang layunin ng Training Induction Program na ito ay upang maipahatid sa mga magsasanay ang kanilang matatanggap na benepisyo sa programa ng RCEF na naglalayong tulungan ang ating mga magsasaka para makipag sabayan sa mga karatig-bansa pagdating sa larangan ng pagsasaka.
Isa ito sa mga inisyatibo ng gobyerno upang mas mapataas ang antas ng pagsasaka sa mga mamamayan upang maging daan ito sa ating magsasaka na umasenso sa pamamagitan ng tamang pamamaraan ng pagsaka.
Pinangunahan naman ito ng Maguindanao Provincial Director, Engr. Salehk B. Mangelen kasama ang iba pang ahensya na kaugnay ng programang ito.