𝟑-𝐃𝐀𝐘 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄𝐒 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐎𝐅𝐑𝐌𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐓𝐑𝐀𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐓𝐄𝐒𝐃𝐀 𝐑𝐄𝐏𝐑𝐄𝐒𝐄𝐍𝐓𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒, 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐓𝐄𝐒𝐃 𝐁𝐀𝐒𝐈𝐋𝐀𝐍
Naging matagumpay ang tatlong (3) araw na Values Transformation Training para sa mga TESDA Representatives ng TESD Basilan nito lamang Oktubre 09-11, 2023 na isinagawa sa Function Hall, MBHTE-TESD Bldg., Basilan Government Center, Sta. Clara, Lamitan City, Basilan Province.
Ito ay naisakatuparan dahil na rin sa partnership ng ahensya sa Bangsamoro Development Authority (BDA) na siyang kumakatawan sa mga Values Transformation Trainings na isinasagawa sa BARMM. Ito ay pinangungunahan ni BDA Manager-ZamBas Ust. Tawab S. Kararon na kinatawan nina Ust. Abuhamza Awal at Ust. Ahmad A. Suaib.
Itinalakay sa nasabing training ang mga Values Transformation and Personal Values Clarification, Concept of Islamic Values and Moral Governance, Faith and Its Articles, The Islamic Ibaadaat, Applying Islamic Values and Moral Governance, Islamic Values in dealing with non-Muslim. Sila ay nagkaroon ng pagbabahagi ng kaalaman sa pamamagitan ng lecture at workshop sa bawat sesyon.
Ang inisyatibong ito ay upang palakasin pa at paalalahanan ang mga TESDA Representatives ng TESD Basilan na upang makamit ang Moral Governance at Quality Service dapat ito ay naayon sa kautusan ng Islam na siyang nagtuturo ng kabutihan, pagkamakaturangan at ng tapat na serbisyo.